WHDL - 00022273
Visit the home page
About Site Language
WHDL is viewable in multiple languages. Use the pull-down menu to select a language to view the site.
I changed my language, but I’m still seeing resources in the other languages?
If a resource or text has not been translated into your selected language, it will appear in the initially added language. We are always looking for help translating these resources. If you can help, contact us!
WHDL - 00022273
click to copy
Rigsby, K (n.d.). Sa Iyong Paghayo .
Rigsby, KarlSa Iyong Paghayo . , n.d.
Rigsby, KarlSa Iyong Paghayo . , n.d.
Rigsby, KarlSa Iyong Paghayo . , n.d.
“As you are going make disciples…” (Mateo 28:19) Pero… masyado akong abala. Wala akong training. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Masyado akong mahiyain. Sino naman ang idi-disciple ko? At gayunpaman… ikaw ang pinili ng Diyos at inutusan Niyang pumunta at gumawa ng mga alagad. Bakit? Kapag pinili mong sumunod kay Jesus, nagiging Arka ka ng Bagong Tipan. Saan ka man pumunta, kasama mo Siya. Bawat hakbang mo ay nagiging banal na lugar dahil nananahan sa iyo ang Banal na Espiritu. Ikaw ay nilikha nang kakaiba upang dalhin ang Banal na Espiritu palabas ng simbahan at papunta sa mundo sa paligid mo, nagiging ilaw ng pag-asa para sa mga taong nais Niyang makatagpo sa pamamagitan mo. Ang Banal na Isa na nananahan sa iyo ang siyang nagpadala sa’yo upang mahipo at mabago Niya ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng ordinaryo mong araw-araw na pamumuhay.
Ang aklat na ito ay isang simple at mabisang gabay upang matulungan kang muling ituon ang iyong pang-araw-araw na mga hakbang at baguhin ang iyong pananaw—saan ka man naroroon o ano man ang ginagawa mo—patungo sa isang buhay na nakalaan sa pagpaparami ng mga alagad. Nag-aalok ito ng malinaw at praktikal na paraan para sa mga indibidwal, maliliit na grupo, at mga iglesia upang makapagtatag ng mga bagong komunidad ng pananampalataya at paramihin ang mga alagad sa kanilang mga kapitbahayan. Biglang ang iyong morning coffee ay nagiging pagkakataon para sa ministeryo, ang paborito mong sports team ay nagiging paraan para makaabot sa iba, at ang iyong trabaho ay nagiging banal na lugar. Isipin mo ang magiging epekto kung bawat isa sa inyong simbahan ay aktibong gumagawa ng mga alagad na gumagawa rin ng mga alagad.
Ang aklat na ito ay para sa sinumang nagnanais na maihanda at mapalakas ng Banal na Espiritu upang makagawa ng mga alagad na kawangis ni Cristo—sa kanilang pamilya, kaibigan, katrabaho, at maging sa mga estranghero—saan man sila inilagay ng Diyos ngayon.